Atty. Nat Lobigas

Congressman · 2nd District, Antipolo City

Atty. NAT LOBIGAS

Lawyer / Public Servant

"Presensya, Hindi Pamana"

Abogado ng Masa

Kasama ninyo, Galing sa inyo, Para sa inyo

Kasama ng komunidad

Tungkol Kay Atty. Nat

Hindi galing sa pamilyang politiko.
Hindi elitista. Hindi negosyante.

Ako ay abogado na galing sa masa — nagtapos sa public university (PUP), nag-aral ng batas sa MLQU, at naglingkod sa gobyerno at pribadong sektor nang 30 taon upang ipagtanggol ang karapatan ng ordinaryong Pilipino.

Alam ko ang batas. Alam ko ang sistema. At alam ko kung paano labanan ang mga nang-aapi.

"Dapat Tama. Alam Mo Dito Tayo."

Ang Aking Edukasyon

Nag-aral sa Public University

Hindi sa mamahaling private school. Katulad ninyo, nagsikap ako.

1996 Bar Exam

Take 1 Passer

Pumasa sa Bar Exam sa unang pagkakataon — patunay ng dedikasyon at husay sa batas.

Bachelor of Laws (1995)

Manuel L. Quezon University, Manila

Nag-aral ng batas sa MLQU — isang institusyong kilala sa paghubog ng mga abogado ng masa.

Bachelor in Political Science (1991)

Polytechnic University of the Philippines, Manila

Nagtapos sa PUP — isang public university. Katulad ninyo, nagsikap. Walang special treatment. Puro sipag at tiyaga lang.

Mga Nagawa Ko Para sa Bayan

30+ Taon ng Paglilingkod

2001 – Kasalukuyan

Abogado ng Masa

Lobigas Law Center

  • Tinulungan ang mga urban poor at mga HOA sa kasiguruhan ng paninirahan, desenteng pamumuhay, laban sa illegal demolition, at laban sa mga corrupt
  • Ipinagtanggol ang mga empleyadong na-terminate nang walang dahilan
  • Tinulungan ang mga maliit na negosyante sa contracts, permits, at compliance
  • Nag-advice sa data privacy, employment rights, at consumer protection
"Ako ang abogado ng mga taong kailangan ng hustisya pero walang pera para sa mahal na lawyer."
1997 – 2000

Administrative Law Judge

Securities & Exchange Commission

  • Nagresolba ng mga kaso ng mga kompanya, mula sa malalaking multinational hanggang sa mga maliliit na TODA
  • Nagtanggol sa karapatan ng mga small investors laban sa mga malalaking korporasyon
  • Tumulong sa pagbangon ng mga negosyong nalulugi upang hindi mawalan ng trabaho ang mga manggagawa
"Ako ay hukom na nag-decide ng mga kaso — pinagtanggol ko ang karapatan ng mga maliit na tao laban sa mayayaman."
1996 – 1997

Litigation Lawyer & Special Prosecutor

Bureau of Internal Revenue

  • Humabol ng mga tax evader — mga taong hindi nagbabayad ng tamang buwis
  • Kinasuhan ang mga kumpanyang nanloloko sa gobyerno
  • Sigurado na ang buwis ng mamamayan ay napupunta sa tama
"Ako ang abogado ng gobyerno na humahabol sa mga dayaan sa buwis — para hindi kayo ang mag-suffer dahil sa mga mandaraya."
Iba pang Pagsisilbi

Professor, CEO, Legal Consultant

Iba't Ibang Institusyon

  • PUP — Professor of Political Science: Hinubog ang kaisipan ng kabataan upang maging mabuting mamamayan
  • Multinational Fintech Company — CEO/Head of Legal: Siniguradong ang kumpanya ay sumusunod sa batas at pinoprotektahan ang mga customers
  • Legal Consultant sa iba't ibang LGUs: Nag-advice sa mga problemang legal at siniguradong naaayon sa batas ang mga LGU
"Ako ang abogadong may malawak na karanasan at kamulatan sa pamamahala."

Ang Aking Ipinaglalaban

Mga Adbokasiya

Bilang isang abogado na 30 taon nang naglilingkod, naniniwala ako na kailangan natin ng tunay na pagbabago.

Urban Poor

Kasiguraduhan sa paninirahan — land tenure at pabahay para sa mga maralita.

Kabataan

Skills training at employment opportunities — para may kinabukasan ang kabataan.

Senior Citizens

Itaas ang Universal Pension at magtayo ng Home for the Aged.

Manggagawa

Security of tenure, wage increase, decent working conditions. Walang kontraktwalismo, walang endo.

Magbubukid

Irrigation, libre o subsidized farm inputs, at proteksyon laban sa mga sindikato at cartels.

Civic Organizations

Kasamang mangangalaga sa peace and order — hindi lang pulis, kundi buong komunidad.

Katutubo at Minorities

Pabahay, hospital, trabahong pangangalaga ng kalikasan at reforestation.

Laging Nariyan

Hindi lang tuwing eleksyon. Hindi tulad ng mga politikong nawawala pagkatapos manalo.

Ang Aking Paniniwala

Mga Prinsipyo

Ang pagseserbisyo ay hindi minamana — ito ay pinagsisilbihan.

Presensya, Hindi Pamana

Ang Kongreso ay gumagawa ng batas — mas nakakaalam sa batas ang isang abogado.

Abogado sa Kongreso

Ang demokrasya ay boses ng mamamayan — hindi pera, hindi apelyido.

Boses ng Masa

Ang tunay na pagbabago ay nanggagaling sa mga taong tapat at may integridad.

Tapat at May Integridad

Bakit si Atty. Nat?

Bakit Siya ang Dapat Suportahan

Kabataan at edukasyon
Manggagawa at mamamayan

Nagtapos sa public university — alam niya ang buhay ng ordinaryong Pilipino

30+ taon na abogado — may alam sa batas na gagamitin para sa mamamayan

Nagtrabaho sa gobyerno bilang hukom at prosecutor — alam ang sistema

Tinulungan ang mga urban poor, manggagawa, at maliliit na negosyante

Hindi galing sa political dynasty — walang utang na loob sa mga makapangyarihan

Laging nariyan — hindi lang tuwing eleksyon

Panoorin

Kilalanin si Atty. Nat

Panoorin ang mga video ni Atty. Nat sa TikTok at alamin kung bakit siya ang tamang kandidato.

Sama-sama Tayo

Kasama ninyo, Galing sa inyo, Para sa inyo.

Ang pagbabago ay nagsisimula sa atin. Suportahan natin ang kandidatong tapat, may kakayahan, at laging nariyan para sa mamamayan.